Nag-isyu ng swimming advisory ang kagawaran ng Kalusugan para sa Carmel Beach (North at South) sa Haifa, kasunod ng mga hindi normal na resulta ng pagsusuri sa tubig-dagat.

Patuloy na minomonitor ng Kagawaran ang sitwasyon.

Paalala ng Kagawaran sa publiko na pinapayagan lamang ang paglangoy sa mga itinalagang dalampasigan.